maniniwala ba ko sa 188 cycle? should I? ewan ko din, basta nageenjoy ako ngayon, ayoko maniwala sa bagay na makakadagdag ng konte sa iniisip ko, hindi ko pasan ang mundo
maniniwala ba ko sa 188 cycle? should I? ewan ko din, basta nageenjoy ako ngayon, ayoko maniwala sa bagay na makakadagdag ng konte sa iniisip ko, hindi ko pasan ang mundo
Naging superhero ka din ba sa mga kinukwento mo nung bata ka? Kinukwento mo din bang may kapangyarihan kang kakaiba at tagapagligtas ka ng mundo? Marahil kung ginagawa mo yan masyado ka ring naging ambisyosa nang mapanood mo ang kapangyarihang taglay ni San Goku, Sakura, Peter pan, Blue Blink, Vegeta, Taguro, Eugene, Recca, Judy Abot (teka may kapangyarihan ba yun?) Nung bata kase ko, naalala ko sinasabi ko sa dalawang kong kaklase na nagiging pusa ako sa gabi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mabilis silang naniwala. Siguro magaling lang ako umarte. (Oh, Best Child Actress for the movie “Pusa sa Gabi, Mortal sa Umaga”) Madalas din kase kapag nagdadaldalan lang kami nagsisimula kong umarte. Yung sa gitna ng pambatang usapan, bigla kong pumipikit at humahawak sa noo. Bigla kong didilat ng dahan-dahan. (Bigla na dahan-dahan, pero pwede ding dahan-dahan na biglaan, magulo ba? Wala ka magagawa ako writter ee). Kapag nakadilat na ko sasabihin kong “nandiyan na sila”. Para mas maunawaan ninyo, ganito kasi ang kwento ko sa mga kaklase ko: Isa kong batang nagiging pusa sa gabi katulad ng magulang at mga kapatid ko. In short pamilya kaming may kapangyarihan at lagi kaming inaatake ng masasamang ninja para makuha ang aming taglay. (Oh diba, best actress na, script writter pa, ako rin direktor sa sarili kong istorya at ako lang din ang artista) Naalala ko nun umulan ng yelo. Nung panahong yun, 1st time lang namin makaexperience ng pagulan ng yelo. Hindi ko ginusto yun pero sumakto ang panahon sa acting ko. Bigla akong pumikit na parang sinasaniban pero napansin kong nakatingin sakin yung dalawa kong kaklase. Sinamantala ko yun at kinausap sila sinabi kong “Umaatake na sila, at ayan ang kanilang kapangyarihan, magkakaroon ng gulo kapag nagpalit ako ng anyo”. Sa sobrang galing kong umarte, umiyak yung isa kong kaklase. Naniwala sa kwentong barbero ko. Isa pang ishashare ko nung nagpunta ko ng palengke ng nanay ko. May nagbebenta dun ng beans. Naakit ako kaya kumuha ako. Dinala ko sa eskwelahan at pinakita sa kaklase ko. Hahahah sa panonood ng Goku naadapt ko ata ang magic beans. Ayun naniwala silang ayun ang nagpapalakas sakin sa tuwing nanghihina ako. Kinain naman nila ang beans na binigay ko. Hindi ko alam kung bakit sila naniniwala sakin pero natatawa talaga ko sa kalokohang binigyan kong buhay.
Masipag ka rin ba nung bata? Yung tipong lahat ng gawaing bahay gusto mo ikaw ang gagawa? Tapos gusto mo habang ginagawa mo yun nakatingin sa yun nakatingin sa iyo ang isa sa iyong mga ninang at sinasabi sa isip nila ang linyang “Ang sipag ng inaanak ko ang suwerte ng magulang nito”. Pero actually wala naman talaga ko pakealam dati kung masabing swerte ng magulang ko dahil sakin. Gusto ko lang magpayabang talaga nun.
Dati kapag tutulong ako sa gawaing bahay sinasabi ng nanay ko “Huwag ka nang kumilos dito, manood ka na lang dyan ng TV”. Bakit ganun sinunod ko naman siya, simula nung bata ako hanggang ngayon nanonood na lang ako ng TV. Naging updated ako sa lahat ng napanood ko. Naabangan ko ang nakakaiyak na pagtatapos ng Esperanza. Napanood ko kung kanino kinasal si Kristine Hermosa nung nagpatext vote sila kung kanino siya dapat ikasal sa teleserye, kung kay Diet o kay Echo. Napanood ko din ang paghahanap ni Goku sa pitong Dragon Ball. Natunghayan ko din ang mga koreanong nagpakilig sa mga kapitbahay ko kahit late ang pagboboses. Pero ngayon tinutuloy ko pa din ang karera ng panunood kaso nasasabihan na ko ng nanay ko na “Tumigil ka na sa panonood, kumilos ka muna dito”. (Hahaha! Nga naman)
puro boxing na lang nkikita ko sa tv tuwing linggo
yung mga pilipinong hindi sikat sa ibang bansa, kapag sumali sa kahit anung contest sa ibang bansa bigla bigla na lang nagiging importante satin, bakit ganun?